Bawat buhay na sa ati'y nakalaan handog ng Diyos na makapangyarihan kung kaya't ito'y dapat pahalagahan nang suklian siya ng kaluwalhatianUtang na buhay ay huwag mong bahiran ng mabigat at mortal na kasalanan sa halip ito'y iyong pakaingatan upang makamtan buhay na walang hangganHuwag matakot na tumawag sa Diyos sapagkat siya'y mapagmahal na lubos sa mga taong sa kanya ay malapit iyong makakamit ang dalanging sambitAng taong nawawalan na ng pag-asa sa kabuhaya't pananampalataya ay sinusubok lang ng ating Diyos ama ang katatagan ng kanilang pag-sambaYaong mga taong may itim na budhi binibigyang pag-asang magbagong muli kaya't 'wag mawawalan kahit konting sigla nariyan lang siya ang tunay mong pag-asa
Bawat buhay na sa ati'y nakalaan
handog ng Diyos na makapangyarihan
kung kaya't ito'y dapat pahalagahan
nang suklian siya ng kaluwalhatian
Utang na buhay ay huwag mong bahiran
ng mabigat at mortal na kasalanan
sa halip ito'y iyong pakaingatan
upang makamtan buhay na walang hanggan
Huwag matakot na tumawag sa Diyos
sapagkat siya'y mapagmahal na lubos
sa mga taong sa kanya ay malapit
iyong makakamit ang dalanging sambit
Ang taong nawawalan na ng pag-asa
sa kabuhaya't pananampalataya
ay sinusubok lang ng ating Diyos ama
ang katatagan ng kanilang pag-samba
Yaong mga taong may itim na budhi
binibigyang pag-asang magbagong muli
kaya't 'wag mawawalan kahit konting sigla
nariyan lang siya ang tunay mong pag-asa