Sa bawat araw na sa ati'y dumaraan Lakip ay pag-subok na di inaasahan At kung minsa'y di natin makayanan Pagkat walang lakas itong kalooban
Ang bawat segundong sa ati'y daraan Nang sa pagtanda'y mayro'ng maaasahan Panangga sa hamong sa ati'y nakalaan Bawat pagyabong sa kanyang tinubuan
S'ya ring pagdami ng ugat sa katawan Na s'yang sandata't sa bagyo'y panlaban Pagkat simbolo nito'y ang katatagan Sa mga hadlang na dapat malampasan
Nang makamtan minimithing kaunlaran Kaya nararapat nating paghandaan Katulad ng isang puno ng bakhawan Punong bakhawan dapat nating tularan
|